Asan ka ba?
Bakit ‘di parin makita?
Di ko matanaw
Mukha mong kay-ganda.
Asan ka ba?
Bakit ‘di ko marinig?
Nabibingi ako…
Sa tinig mong kay sarap sa tenga.
Asan ka ba?
Bakit ‘di ko na naaamoy?
Sinisipon pa nga ako…
Sa pabango mong galing Abroad.
Asan ka ba?
Bakit ‘di kita mahawakan?
Abutin mo naman ako…
Baka kasi naputol na mga kamay ko.
Asan ka ba?
Bakit ang tagal mo?
Nagising ako…
Madaming tao at magulo
Nasa labas pala ang kabaong mo.
Makikita pa ba kita???